Monday, June 23, 2008
I always believe that every day is a learning day. It's a chance to gain and share knowledge to my friends, family members, classmates and some people within me.
It was around 10 in the morning when I went to an office in our school to ask something. Matagal na kasing hindi naibibigay yung grades namin sa isang subject last semester so I went their to follow-up for that matter. Napakaganda ng mood ko because nabalitaan kong naibigay na raw yung grades. So I approached someone in charged about my concern.
Hindi ko alam if sumpungin o pasigaw lang talaga sya magsalita. But we must be aware of others, hindi dahilan na marami syang ginagawa para magbago ang kanyang pakikitungo sa iba, hindi ko sinasabing dapat ay maging perpekto sya sa bawat bagay na kanyang ginagawa. As a public employee, dapat marunong syang makisama sa bawat taong kanyang nakakasalamuha, mahirap man o mayaman. Alam kong may kabutihan syang taglay ngunit wag naman sana nyang ilimita sa iilang tao lamang.
Ito ay isa lamang sa napakaraming halimbawa ng mga katotohanan sa buhay. May mga taong akala mo sino kung kumilos o umasta ngunit ang totoo ay utusan lamang pala. Hindi ko sila minamaliit, sapagkat alam kong sila ang nakakatanggap ng bawat sigaw ng kanilang mga boss sa tuwing may kapalpakang nagaganap, ngunit ito ay hindi tamang rason para maging hadlang sa maayos na komunikasyon. Tandaan na lahat ng bagay ay nadadaan sa mabuting usapan, hindi sa ano pa mang bagay. Wag sana nating piliin ang ating mga pinapakisamahan, sapagkat lahat ay may karapatan. Kapag ang karapatang ating tinatamasa ay maging daan para sa pag-apak at pagyurak ng iba, itoy tanda ng pagtatapos ng ating karapatan. On the other hand, we must be observant and dignified in every decision that we do because sometimes maaari tayong abusuhin, ang dapat ay tama lang. Kailangan na marunong tayong sumabay sa agos ng buhay at makitungo sa bawat taong dumadaan sa ating kapaligiran. In very thing that we do let us remember and apply the Golden Rule sapagkat di natin alam baka bukas o sa makalawa ako na ang nasa kalagayan nila. But I will assure you, hindi ko gagawin ang ginagawa ng iba. Let us practice equality, kahit na mahirap sa pananaw ng iba!
|